792

Feb 3, 2020 @ 16:58
By

Political killings sa Batuan, Masbate pinaiimbestigahan

Hiniling ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment (Pinoy Aksyon) sa Senado na imbestigahan ang diumano’y “political killings” sa bayan ng Batuan, Masbate kasunod ng pagpatay kay dating Vice Mayor Charlie Yuson III sa Sampaloc, Maynila noong Oktubre 2019.

“His death cannot swept under the rug and authorities may need to dig deeper into the case,” ayon sa statement ng grupo.

Kahapon, nagtungo ang grupo sa Senado para hilingan kay Senador Bato Dela Rosa, chairman ng Senate committee on Public Order and Dangerous Drugs, na siyasatin ‘in aid of legislation’ sa pagpatay kay Yuson at limang iba pa.

“Humihingi kami ng hustisya sa pagpatay kay Vice Mayor Yuson dahil hanggang ngayon di pa namain nakakamit ang hustisya at maibalik ang katahimikan sa aming bayan,” ayon kay Batuan Kagawad Charliemagne Yuson, na nagtungo sa Senado kanina, Pebrero 3, kasama ang iba pang mga barangay leader kung dinala nila sa tanggap ni Dela Rosa ang isang resolusyon na humihiling na paimbestigahan ang nangyayaring patayan sa kanilang bayan.

Sa panayam kay Yuson, nanawagan sila sa Senado na tulungan silang maibalik ang ‘rule of law’ sa kanilang dating matahimik na bayan.

“Para kasing wala nang batas sa Masbate. Humingi kami ng tulong kay Presidente Duterte para maibalik rule of law, wala ng katahimikan sa aming bayan,” ani Yuson.

“Gusto naming paimbestigahan para malama nkung sino talaga ang nasa likod ng pangyayaring ito. Ang alam naming, ginamit ang pangalan ni Duterte sa kawalang hiyan na ginagawa nila sa amin,” dagdag pa nito.

Batay sa resolusyon ng Batuan Association of Barangay Captains (ABC), limang political killing ang nangyari sa nakaraang 2019 midterm election sa kanilang bayan. Karamihan sa mga biktima ay pawang mga supporter ni Yuson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?