321
ABANTE political dynasty Atty Christian Monsod
Jan 18, 2018 @ 19:31
By

Political Dynasty, maghahari sa pederalismo

Maghahari umano ang political dynasties kung iiral ang pederalismo sa bansa. Ito ang pahayag ni Atty. Christian Monsod, isang constitutional expert at miyembro ng 1996 Constitutional Commission (ConCom).

“Kasi ngayon po, malaki ang problema natin iyong mga political dynasties. Hawak nila ang kapangyarihan at kayamanan sa mga probinsya. Kung bibigyan natin sila… i-decentralized natin ang powers and resources ‘yun po kaya ay bababa sa ordinaryong mamamayan o ito po ba ay kukunin sa kanilang pangsarili ‘yung mga resources na ‘yan na ginagawa nila ngayon. Sa palagay namin ganu’n ang mangyayari. It will not empower and go to the people ang mga resources na ‘yun. Because that’s the history of our country,” ayon kay Monsod.

Naniniwala si Monsod, hindi ang pagbabago ng Konstitusyon ang solusyon sa pagkakaroon ng ‘imperial Manila’ sa halip ay ang hindi pagpapatupad ng local autonomy at social justice sa Pilipinas na una nang tinataglay ng Saligang Batas.

“Ang problema ay ngayon… ‘yung Konstitusyon natin ay not fully implemented iyan ay utos ng constitution natin ngayon. At saka ang social justice para we can face or address iyong problema ng poverty and inequality. Kasi ang hadlang diyan sa implementation ng ating Konstitusyon ay iyong congress for example hindi nila binibigyan ng sapat na budget ang agrarian reform. For example, nilalagyan nila ng loopholes iyong mga laws that are meant to help the poor,” dagdag pa ni Monsod.

Layunin sana ng pederalismo ang pagkakaroon ng pantay na mapagkukunan ng yaman at pag-unlad lalo na sa kanayunan. “Ang pederalismo ang sabi nila ito ang paraan para mawala ang imperial Manila at kailangan ay ating bigyan ng mga responsibilidad, power at resources ‘yung out laying areas dahil masyadong diperensiya ng economic growth, development between Manila and the out laying areas. Subalit marami itong pitfalls, maraming nangyayari kumpara sa inaasahan,” ayon kay Monsod.

Ayon sa isang pag-aaral noong 2014 ng New York University, nasa pagitan ng 50-70 porsiyento ng mga pulitiko ay bahagi ng political dynasty sa Pilipinas. (Juliet de Loza-Cudia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?