102

By

Political dynasty bawal sa federalism – Nene Pimentel

Sharing is caring!

Umaasa si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na susuportahan ng taumbayan ang anti-political dynasty provision ng federal constitution na binalangkas ng Consultative Committee (ConCom).

Miyembro si Pimentel ng ConCom na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumalangkas ng federal constitution.

Ayon sa dating senador, kapag nasunod ang kanilang rekumendasyon, mahigpit na ipagbabawal sa magkakamag-anak na hanggang second civil degree na kumandidato at humawak nang pwesto nang sabay-sabay sa national at local positions.

Kapag magkamag-anak ang gustong kumandidato, may “draw lots” kung sino ang papayagang tumakbo.

Ayon kay Pimentel, ibabawal din ang pagsusunod-sunod ng magkakaanak sa elective positions.

Pasok sa pagbabawalan na magsabay-sabay sa elective positions ang magulang at mga anak, kapatid,byenan, hipag, bayaw, apo at mga lolo at lola ng nanunungkulan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?