72

By

Political clans patuloy na maghahari sa Bangsamoro kahit may Organic Law – Drilon

Maaari umanong maging payapa at matatag ang Mindanao dahil sa panukalang Bangsamoro Organic Law (BOL), dating Bangsamoro Basic Law (BBL), pero posibleng magpatuloy doon ang katiwalian.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na dahil ito sa kawalan ng probisyon sa BOL na magbabawal sa dynasty o magkakamag-anak na manungkulan sa itatatag na Bangsamoro Autonomos Region kapalit ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“I am not optimistic that the BBL will result in good governance The failure of governance in the ARMM, not only the decades-long conflict is also to blame for the high incidence of povery in the region,” sabi ni Drilon.

“The BBL is pro-peace peace and stability but it lacks teeth to reform the prevailing politics and governance in ARMM that resulted in its provinces being one of the poorest in the country,” dagdag nito.

Si Drilon ang nagpasok sa Senate version ng dating BBL ng probisyon na magbabawal na maupo bilang sector representative ang kaanak ng district representative sa Bangsamoro Regional Government.

Tinanggal ito sa Bicameral Conference Committee dahil sa tingin ng mga senador at kongresista ay “selective and discriminatory” dahil sectoral representative lang ang apektado.

Dahil hindi bawal doon ang dynasty, tiyak umanong mapupunta ang pamumuno ng Bangsamoro region sa kamay ng iilang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?