47

Sep 19, 2019 @ 22:15
By

Poligrates, Marinero nakauna kontra TIP

Mga laro sa Lunes: (Paco Arena, Manila)

1:30pm — TIP vs Marinerong Pilipino

3:30pm — CEU vs BRT Sumisip- St. Clare

Kinuha ng Marinerong Pilipino ang unang panalo sa best-of-three semifinals matchup nila kontra TIP Engineers, 98-80, sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig City Huwebes ng gabi.

Nanguna si ex-pro Eloy Poligrates, tumipa ng 18 points para ilapit ang koponan sa unang finals appearance sa liga.

Nakatuwang ni Poligrates si Byron Villarias na umambag ng 15 points.

“Masaya dahil nakuha namin ‘yung Game 1 pero kailangan pa rin trabahun ang Game 2 dahil hindi pa tapos ang series,” wika ni Marineo coach Yong Garcia.

“Kailangan pa ng corrections dahil nung third quarter, medyo nag-relax kaya nakadikit sila.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?