143

By

Police ‘scalawags’ sisipain ni Año sa serbisyo

Sharing is caring!

Binalaan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) OIC-Secretary Eduardo M. Año ang mga ‘police scalawags’ sa Philippine National Police (PNP) na agad niyang sisipain sa serbisyo kaya hinihikayat nito na magbago na ang mga ito.

“Clean up your act or leave. No one will be spared. Police officers who will be found culpable of any criminal involvement shall be removed from the service,” giit ni Año, na dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines

Ayon kay Año, kaisa ang pamunuan ng DILG sa adhikain ng Pangulong Rodrigo Duterte na itapon at ikulong ang mga sinasabing ‘bad eggs’ sa hanay ng kapulisan at linisin ang mga ‘ccorrupt’ sa pamahalaan.

“The DILG and PNP shall ensure that President Rodrigo Duterte’s vision of riddi’bad eggs’ will be carried out as part of the massive internal cleansing of the government against corruption,” ayon pa sa DILG chief.

“Sa mga pulis na hindi mapigil sa kanilang kabulastugan at patuloy na ginagamit ang kanilang posisyon para makapanlamang ng kapwa, I tell you now, we are after you,” banta ni Año.

Sinabi ni Año, mula taong 2016, mahigit sa 6,000 police commissioned at non-commissioned officers kabilang ang non-uniformed personnel ang sinibak sa serbisyo, na-demote at pinatawan ng suspensiyon.

“I dont care kahit maubos lahat ng pulis, basta mawala lang lahat ng scalawags. We can always find recruits to become good policemen,” dagdag pa ng DILG Chief.

Magugunitang nitong taon ay itinaas ang ‘base pay’ ng mga pulis, bumbero, jail officer 1 of Police/Fire/Jail Officer 1 mula sa dating P 14,834.00, nagayon ay P 29,668.00 na ang kanilang maiuuwi sa kani-kanilang mga pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?