21

By

Police scalawags, ‘di tatantanan ni Bato

Sharing is caring!

Bumaba ang bilang ng mga pulis na nasasangkot sa iligal na aktibidad sa bansa.

Sa naging talumpati ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa flag raising ceremony sa Camp Crame, sinabi nitong iniulat sa kanya ng PNP Counter Intelligence Task Force ang pagbaba ng bilang ng mga pulis scalawags.

Ibig sabihin aniya nito ay naging epektibo ang ikinasang internal cleansing ng PNP laban sa mga police scalawags.

Nagbabala naman si Dela Rosa sa mga natitira pang police scalawags sa kanilang hanay na hindi siya titigil para maalis ang mga ito kahit sa huling segundo ng kanyang pagseserbisyo sa PNP.

Matapang na sinabi ni Gen. Bato na magre-retire na siya sa susunod na taon at babalik ng Davao pero isasama niya ang mga police scalawags kapag patuloy sa paggawa ng kalokohan, magre-retire aniya ang mga ito sa kulungan o ‘di kaya ay sa kamatayan.

“Isasama ko kayo sa retirement ko kapag kayo gumawa ng kalokohan. I will be retiring back to Davao, and you will be retiring inside the prison jail, if not you will be retiring six feet below the ground,” anang hepe. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?