76

By

Police official todas sa pananambang sa Cebu

Patay ang isang opisyal ng pulisya matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang riding in tandem, Huwebes ng hapon sa Cebu City.

Dead on the spot ang biktimang si Police Lt. Col. Joie Yape Jr., 49, nakatalaga sa PNP-Internal Affairs Service sa Camp Crame.

Sa ulat na ipinadala ng Central Visayas Police Office sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-5:35 ng hapon sa kahabaan ng Molave Street sa Barangay Kamputhaw ng nasabing lungsod.

Nabatid na nasa Wellcome Hotel na matatagpuan sa nabatid na lugar ang biktima kasama ang kanyang asawa dahil sa tatlong araw na seminar sa law and procurement planning.

Galing sa nabatid na hotel ang biktima at asawa nito at naglalakad sa lugar nang isa sa mga suspek ang malapitang pinagbabaril ang biktima habang hindi nito ginalaw ang asawa ng pulis.

Matapos ang pamamaril ay mabilis itong sumakay sa motorsiklo na naghihintay hindi kalayuan sa lugar ng insidente at tumakas patungo sa Escario Street.

Lumabas sa imbestigasyon, na halos isang oras nang tila may hinihintay ang mga suspek sa labas ng hotel kung saan si Yape pala ang target ng mga ito.

Si Yape ay dating hepe ng Cebu Police Provincial Office Intelligence Branch at marami nang nahuling maipluwensyang tao sa lalawigan kabilang si dating Medellin Mayor Ricardo Ramirez noong 2017.

Napatay naman ang dating alkalde ng hindi kilalang salarin habang naka-hospital arrest noong Hunyo 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?