377

Jan 4, 2018 @ 8:55
By

Police official na sangkot sa Mandaluyong shooting, lumutang na

Lumantad na ang isang opisyal ng Mandaluyong City Police na umanoy sangkot sa nangyaring pamamaril sa isang AUV sa Brgy. Addition Hills na ikinasawi ng dalawang katao noong Biyernes.

Kinilala itong si Senior Inspector Maria Cristina Vasquez, ang team leader ng siyam na pulis Mandaluyong na kasama sa nangyaring insidente.

Ayon kay Senior Supt Florendo Quibuyen, ang hepe ng Special Investigation Task Group ng Eastern Police District, nag-report si Senior Inspector Vasquez sa National Capital Region Police Office kaninang bago mag alas-11:00 ng tanghali ng umaga kanina.

Inaasahang magiging under restrictive custody si Vasquez ng Chief of Police ng Mandaluyong na si Senior Supt Enrique Agtarap.

Mananatili itong nasa restrictive custody habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

Hanggang ngayon hindi pa nagbibigay ng paliwanag si Vasquez kung bakit ngayon lang siya lumutang.

Si Vasquez at siyam na iba pa kabilang ang tatlong Barangay tanod ng Addition Hills sa Mandaluyong ay kinasuhan ng Homicide dahil sa nabanggit na insidente. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?