36

By

Police District Directors delikado din sa ‘tulog cops’ – NCRPO

Sharing is caring!

Nagbabala si National Capital Regional Police Office Director Oscar Albayalde sa limang police directors ng Metro Manila na sisipain din sila sa puwesto kapag may mga nahuli sa mg tauhan nila na natutulog habang nasa duty.

Ayon kay Albayalde walang “sacred cow” sa kanyang pag inspeksiyon sa mga presinto at istasyon ng pulisya.

Ginawa nito ang babala nang may mahuli pa rin mga pulis na natutulog sa oras ng duty sa Caloocan City at Quezon City.

Una nang sinibak ni Albayalde sina Sr. Supt. Dionisio Bartolome at Sr. Supt. Dante Novicio matapos niyang maaktuhan ang mga pulis-Pasay at pulis-Muntinlupa na natutulog at nag iinuman habang nasa presinto.

Nais din ipaalala ni Albayalde ang kampaniyang ‘Tamang Bihis’ ang pagsusuot ng tamang uniporme habang kapag oras ng duty. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?