269
pnp
Feb 9, 2018 @ 22:37
By

Police chiefs ng Pasay, Muntinlupa sinibak

Tinanggal na sa puwesto National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang mga hepe ng pulisya ng Pasay City at Muntinlupa City.

Ang mga inalis sa kanyang kasalukuyang posisyon ay sina Pasay City Police chief Sr. Supt. Dionisio Bartolome at Muntinlupa City Police chief, Sr. Supt. Dante Novicio.

Ang pagsibak sa dalawa ay ginawa ni Albayalde matapos mahuli ang ilang mga tauhan ng mga ito na natutulog at nag-iinuman habang naka-duty.

Sabi ng NCRPO chief, bilang prinsipyo ng ‘command responsibility’ kailangang managot din ang mga hepe ng pulis na nadatnang nagpapabaya sa tungkulin.

Bukod kina Bartolome at Novicio, sinibak din ni Albayalde sina San Juan City Police Chief Sr. Supt. Lawrence Coop dahil sa kabiguang nitong maabottarget performance matrix ng PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?