28

By

Police chief nangongotong ng iPhone

Sharing is caring!

Nasa alanganin na ngayon ang reputasyon at career ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos itong arestuhin dahil sa pangongotong diumano ng mamahaling smartphone sa kapatid ng isang arestadong drug suspect.

Si Supt. Juwen dela Cruz, hepe ng pulisya sa Bocaue, Bulacan, ay inaresto ng mga tauhan ng PNP – Counter-Intelligence Task Force.

Nabatid na isinumbong si dela Cruz sa Camp Crame at pasado hatinggabi nang arestuhin ito sa Bocaue sa pagtanggap niya ng iPhone X.

Nagsimula ang lahat ng sinubukan kunin ng mga kaanak ng drug suspect ang sports utility vehicle (SUV) nito nang malaman na ginagamit ang sasakyan sa mga police operations at maging sa personal na lakad diumano ni dela Cruz.

Ngunit nagsabi diumano ang hepe ng pulisya na ibibigay lang niya ang SUV kapag binigyan siya ng pinamahal na iPhone.

Nadiskubre din na walang record na ang SUV ay kabilang sa mga ebidensiya sa kaso ng drug suspect. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?