49

By

Police car ginawang motel, 2 pulis-QC hinuli

Sharing is caring!

Inaresto ng kanilang mga kabaro ang dalawang bagitong pulis-Quezon City dahil diumano sa panggagahasa sa isang babae sa loob mismo ng kanilang mobile car.

Iprinisinta sa media ni NCRPO Director Guillermo Eleazar sina PO1 Jayson Portuguez at PO1 Severino Montalban, kapwa Tactical Motorcycle Riders ng Novaliches Police Station (Station 4).

Nabatid na dinisarmahan at kinumpiska na rin ang police badge at ID ng dalawang pulis.

Nabatid na positibong kinilala ng biktima si Portuguez na siyang gumahasa sa kanya sa police pick up matapos siyang hulihin at iba pa niyang kasama ng ilegal na pagsusugal noong hatinggabi ng Nobyembre 3.

Dagdag pa ng biktima si Montalban ang unang gumalaw sa kanya at ang panghahalay ay nangyari sa madilim na bahagi ng Quezon City General Hospital.

Matapos ang medical check-up, ibinaba na ng dalawang pulis ang biktima sa Novaliches Proper, samantalang ang ibang naaresto ay dinala sa istasyon ng pulisya.

Samantala, sinibak din sa puwesto si Insp. Ronaldo Sergio, ang supervisor ng dalawang pulis, maging ang kanilang mga kasama sa Tactical Motorcycle Unit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?