118

Jan 10, 2020 @ 13:45
By

Police brutality sa Traslacion 2020 pinaiimbestigahan

Mariing kinondena ng dalawang kongresista ang brutal na pananalakay ng kapulisan sa libo-libong deboto na lumahok sa Pista ng Itim na Nazareno nitong Huwebes na tinangka pa umanong itago.

Kaya naman, giniit nina Bayan Muna partylist Reps. Carlos Isagani Zarate at Eufemia Cullamat na imbestigahan ang naturang insidente.

Partikukar na pinalagan ng dalawa ang ginawang pagkumpiska ng telepono ng isang TV reporter na kinukuhanan ang insidente.

“We condemn the use of excessive force by the PNP against the devotees. We have seen numerous pictures and videos pointing to the undue violence by police officers against devotees. In some pictures numerous policemen were strangling a devotee and in others they manhandled a devotee and arrested him. A police general even had the gall to snatch and confiscate the phone of GMA7 reporter Jun Veneracion, who was then recording the incident. Worse, the footage was even deleted in an apparent attempt to hide their brutality. Fortunately, the deleted footage was recovered and even exposed how a ranking PNP official can peddle lies to cover-up their misdeeds,” diin ng dalawang kongresista.

Bagama’t hindi na rin umano bago ang ganitong asta ng kapulisan, hindi man lang umano binigyan ng mga ito ng kaunting respeto at pagpapahalaga ang naturang okasyon ng pananampalataya.

“This violent behavior of the PNP is way out of hand. To some extent it became a police march rather than a show of faith and devotion to the Black Nazarene,” ayon kay Zarate.

Ayon naman kay Cullamat, ganito rin umano ang asta ng mga pulis sa kanayunan. Sa katunayan, aniya, mas malala pa dahil kadalasan ay bugbog at pagpatay umano ang ginagawa sa kanilang tinatarget, lalo na ang mga magsasaka at katutubo.

“Marapat na maimbestigahan ang mga kaso ng human rights violations ng mga pulis at baguhin ang kanilang kultura ng dahas laban sa mamamayan,” wika pa ni Cullamat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?