41
ABANTE police asset riding in tandem taguig
By

Police asset itinumba ng ‘riding-in-tandem’ sa Taguig

Sharing is caring!

Patay ang isang sinasabing police asset, samantalang tatlo naman ang nadamay sa pamamaril ng riding in tandem criminals sa Taguig City kaninang madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, tinangka pa ni Ryan Yalung, ng Barangay Upper Bicutan na tumakas ngunit bumagsak na lang ito at namatay dahil sa tama ng bala sa ulo.

Nabatid na nasa tapat lang ng kanilang bahay sa Castillo street si Yalung nang lapitan at pagbabarilin ng isa sa mga sakay ng isang motorsiklo.

May tatlong kapitbahay si Yalung na tinamaan ng mga ligaw nab ala dahil sa kanilang direksyon tumakbo ang biktima.

Kinilala ang mga nadamay na sina Samuel Rufuerzo at misis nitong si Rosalina at isang Kalik.

Ang pagiging police asset ni Yalung ay kinumpirma ng isa niyang kaanak. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?