85
Police
Jan 11, 2018 @ 14:21
By

Police applicants dadami dahil sa mataas na suweldo – PNP

Inaasahan na ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang pagdami pa ng mga gustong mapabilang sa kanilang hanay.

Dahil ito sa pagtataas ng suweldo ng mga pulis epektibo Enero 1, 2018.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, ngayong taon nakatakda pa sila mag recruit ng 21 libong Police Officer 1.

Ang 21,000 na ito ay kabilang sa 97,000 na PO1 na authorize nilang irecruit.

Sa ngayon ayon kay Carlos, mayroon ng 76 na libong Police Officer 1 ang PNP na makakatangap ng doble sahod epektibo ngayong January 1, 2018.

Mayroong 180 PNP Personnel ang pambansyang pulisya na lahat ay makakatangap ng dagdag sweldo.

Payo ni Carlos sa kanyang mga kabaro suklian ang taumbayan sa pamamagitan ng pagseserbisyo ng maayos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?