298

Dec 24, 2017 @ 13:27
By

Policarpio family tikom ang bibig sa nangyari kay Ica

Malaking pasalamat ng pamilya Policarpio dahil natagpuan at naiuwi na si Patricia “Ica” Policarpio matapos ang dalawang araw na paghahanap dito.

Subalit tahimik pa rin ng mga ito sa tunay na nangyari sa pagkawala ng 17-anyos na dalagita.

Sa isang pulong balitaan kasama ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni Rufino Policarpio, ama ni Ica, na malaki ang naitulong ng publiko sa paghahanap sa kanilang anak pero humingi ng privacy ukol sa ibang nangyari.

“Salamat po sa show of unity and bayanihan spirit. We will be forever grateful to the PNP and to the public for helping us find Ica,” ayon kay Policarpio.

“Hindi pa makausap nang masinsinan si Ica. Hiling namin ay pag-unawa, pasensya ng madla at privacy. In due time, we will find out the truth,” dagdag ni Policarpio.

Ipauubaya na raw nila sa PNP ang ibang anggulo sa nangyari sa anak.

Natagpuan si Ica sa isang karinderya sa Baranggay 11-B sa San Pablo City, Laguna dakong alas sais kaninang umaga.

Ayon kay Chief Supt. Tomas Apolinario, direktor ng Southern Police District (SPD), nakilala ng mga baranggay tanod si Ica kaya agad silang nakipag-ugnayan sa pulisya.

Nung iparating sa pamilya Policarpio, agad na sinundo si Ica sa San Pablo City.

Sa Facebook account ng kapatid ni Ica na si Bea, ipinakita ang litrato kung saan nakayakap si Ica sa Ina at mayroon ding kuha na nakangiti ito habang nakasakay sa kotse.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?