10

Aug 11, 2020 @ 23:05

Pole & aerial sports ni Ciara swak sa POC

Nadagdagan ng pamilyang miyembro ang Philippine Olympic Committee (POC) nang tanggapin ang Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA) ng pole na itinatag at pinamumuan ng aktres, singer at dating TV host Ciara Anna Sotto.

Inanunsyo ng 40-anyos na pole dancer na anak ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pagtanggap ng POC at International Pole Sports Federation (IPSF) sa kanyang Instagram account kahapon.

“I’ve very honored to present to you the PPASA. As a founder and president of the PPASA, I have been working on this for more than two years. I am very grateful to the POC for finally recognizing us,” aniya sa basbas ng POC nitong Hulyo 20. “This is a very big milestone for the pole and aerial community in the Philippines.”

May 10 taon ng aktibo ang nakababatang Sotto bilang practioner at instructor ng pole dancing na may mga event na pole sports, ultra pole, artistic pole, at para pole. (Ramil Cruz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?