70

Jan 13, 2021 @ 17:08
By

Pokwang pumalag, foreigner dyowa ‘di nabingwit sa dating app

Pinabulaanan ni Pokwang ang sinabi ng isang netizen na sa pamamagitan ng dating site niya nakilala ang kanyang American partner na si Lee O’Brian.

Hindi rin daw niya kaibigan ang naturang netizen.

Sa Instagram post binahagi ng komedyana ang screenshot ng post ng naturang netizen na nagngangalang Marl B. Mendoza sa FB group na “Filipina Women looking for Foreign Husband” na nagpo-promote ng dating site gamit ang photo nina Pokwang at O’Brian.

“Hindi ko po sya friend at hindi po kami sa dating site nagkakilala ni papang @leeobrian sa movie po kmi nagkakilala ang Edsa woolworth na produced ng TFC at directed by @johndlazatin mga mag gagantso!!!! wag ganon!!!! Attention #NBI sino po pwede kausapin para ipahanap ito? Woohooo,” sey ni Pokwang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?