254

Dec 20, 2017 @ 18:20
By

Pokwang pinagbantaan ng kapitbahay

Na-stress nang bonggang-bongga si Pokwang nang maka-engkuwentro ang isang kapitbahay sa kanilang subdivision na nagwala at nagbanta pa sa kanila.

Sa larawan ng Hollywood star na si Jim Carrey na pinoste nito sa kanyang IG, ini-relate ni Pokwang ang naranasan niya sa kanyang kapitbahay habang nagkakaraoke sa kanilang lugar.

Ayon kay Pokwang sa IG name niyang @itspokwang27, hindi raw siya makatulog, maging ang kanyang maysakit na ina dahil sa lakas ng pagkakaraoke ng kapitbahay.

Pasado alas-12:00 na ng hatinggabi ay malakas pa rin daw ang volume ng karaoke sa kabilang bahay.

Pinakiusapan na raw niya ang kapitbahay sa pamamagitan ng kanyang kasambahay para hinaan ang volume, pero sa halip na pagbigyan sila sa request, nagalit pa raw si ‘tatang’ at nagwala.

Hindi nito nagustuhan ang pakiusap nilang hinaan ang karaoke kaya nag-init ang ulo nito at nagtatalak.

Nagbanta pang huwag daw magpa-party sa kanyang bahay si Pokwang dahil sisirain nito ang mga sasakyan ng kanyang mga bisita.

Walong buwang buntis si Pokwang na sa estado nito ay nahihirapan na siyang makahagilap ng regular na tulog. Kaya ang malakas na sounds sa karaoke ay nakakadagdag pa ng hirap nitong makatulog. May karamdaman rin ang kanyang ina na kailangan ng pahinga.

Binanggit at ipinunto ni Pokwang ang batas na nagbabawal sa malakas na karaoke lalo na sa dis-oras ng gabi.

May alloted time na inilaan ang gobyerno para sa pagpapatugtog ng karaoke, na siyang pinupunto ni Pokwang.

Binanggit rin nito ang sinabi ng matanda na sila rin ay nakaistorbo nang mag-shooting ang team ng komedyana sa kanilang lugar.

Kontra depensa naman ni Pokwang, hand-held camera at isang unit lang ‘yun na ginamit para sa performance niya sa nagwakas nang show sa ABS-CBN 2, ang ‘I Can Do That’. Isa pa ay nagbayad sila ng 9k para sa video shoot na ‘yun.

Nakunan ng kasambahay ni Pokwang ang pagwawala, pagmumura at pagbabanta ng kapitbahay sa kanila.

Nagbanta si Pokwang na papangalanan niya ang subdivision kung hindi nito maaayos ang problema. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?