1,291

Jan 6, 2022 @ 18:47
By

Pokwang nangibabaw awa, hindi na pina-Tulfo nambudol sa kanya

Humagulgol si Pokwang sa harap ni Ogie Diaz matapos takbuhan ng P58,000 ng taong pinagkatiwalaan niya.

Nawala ang galit ni Pokwang nang makita ang kalagayan ng taong nanloko sa kanya.

Sa vlog ni Ogie Diaz, ikinuwento ni Pokwang na binayaran niya nang buo ang pinagawa niyang ihawan para sa negosyong roasted chicken.

Tiwala raw siya dahil dati na niyang pinagawa ng gamit ang naturang nanloko sa kanya.

Ipapa-Tulfo raw sana niya ito ngunit nang makita sa Facebook ang kalagayan ay naawa siya.

“Nung tiningnan ko sa Facebook ‘yung kalagayan nila, nawala ‘yung galit ko,” naluluhang sabi ni Pokwang.

“Naiinis pa rin ako kasi feeling ko tinutulungan ko na kayo e. Nakita ko may maliliit na anak. Pero sana nagsabi na lang kayo sa akin kung ano para natulungan ko pa kayo. Kasi kapag pinost ko ‘yun sa social media ko, marami pang oorder sa’yo e, ‘di ba?” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?