161

Jan 12, 2022 @ 21:06
By

Pokwang nakipaglaban sa COVID: Buti na lang bakunado ako

Positibo pa rin ang pananaw ni Pokwang sa kabila ng pagpositibo niya sa COVID-19.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng comedian na patuloy siyang nagpapagaling mula sa COVID.

Nasa ikaanim na araw na raw siyang nasa isolation at buti na lang aniya ay bakunado siya kaya kinaya ang sakit.

“Dear Covid doo bee dap dap, eto ako nagpapaaraw para lumakas muli at makabawi, ika 6 days kona ng isolation buti nalang bakunado ako kaya kinaya kita ng bongga!” caption ni Pokwang.

“Sa mga tinamaan ni pareng Covid doo bee dap dap wag panghinaan ng loob lalo na kapag may pamilya tayong umaasa satin, Laban lang mga mahal ko dasal at tiwala lang kay God oki? inom ng maraming tubig, vitamins i doble, suob, wag na muna lalabas kung may nararamdaman na symptoms. mag isolate agad agad oki kapit lang #ibakapagmaybakuna,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,