4

Jan 19, 2021 @ 16:41
By

Pokwang nagpakain sa Antipolo

Namahagi ng blessings ang magdyowang sina Pokwang at Lee O’Brian matapos mag-3 years old ang kanilang anak na si Malia kahapon, Jan. 18.

Namigay sina Pokwang ng pagkain sa isang komunidad sa Antipolo, Rizal.

“Napaka bilis ng panahon…. tatlong taon na si tisay @malia_obrian wooohooo happy birthday mahal ko…” caption ni Pokwang sa Instagram post ng nangyaring food giving.

Nagkakilala sina Pokwang at O’Brian sa 2014 movie na “Edsa Woolworth” habang ipinanganak si Malia noong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?