310

By

Pokwang, naghurumentado nang sabihang bobo siyang ina

Sharing is caring!

Nangangailiting naglintanya si Pokwang sa kanyang Instagram post kaugnay sa pagpuna ng isa nyang netizen na nagsabing malapit nang mahulog sa sofa ang baby nyang si Malia.

Nakaposte sa IG wall ni Pokwang ang isang screenshot nang dalawang parehong photo ng anak nyang si Mae habang binabantayan nito ang baby sister niyang si Malia na nakahiga sa sofa.

Habang nagbabantay gumagamit ng cellphone niya ang dalaga ni Pokwang at ipinapakita sa picture ang nakalaylay na paa ng sanggol sa hinihigaan nitong bed pad.

Nakasulat sa caption, “NAKITA KO LANG ATE POKIE.

Nakapagitna sa dalawang magkatabing parehong photo ang caption ng “ate K cecelpon mob k mahulog yang kapatid mo”.

At sa caption naman sa baba nang buong photo frame, “Mahuhulog na raw si Malia! Netizen think Pokwang eldest daughter is being inattentive to..”

Hindi napigil ni Pokwang ang sarili na magtaray sa pagpuna sa kanyang anak na si Mae at sa ipinapalagay na hindi magandang sitwasyon ng sanggol nyang si Malia habang binabantayan nang una.

Nairita si Pokwang dahil bukod sa nirepost ng video niya ginawang pa ito ng isyu at pinalalabas na wala siyang bobong ina at walang kuwenta ang panganay niyang anak.

@itspokwang27, “OK nakakairita ha…daming epal kasi e…salamat kung totoong concern kayo! Pero hindi naman ako BOBO para pabayaang mahulog ang anak ko sa sofa! Eksaherada ang ilang nag-post ng video ko social media nila nang wala na nga pahintulot sarap ipatumba! Tapos palalabasin pa na BOBO kang ina at walang kwentang kapatid si Mae? Pabaya ganon?..Tigilan na ang pandarambong sa youtube or kung saam social media nyo! Makarami lang kayong viewers kung ano anong CLICKBAIT ang ginagamit nyo tah kayo! Ayan paki-swipe nyo pag-aralan ano nga ba ang clickbait!! Wag ang mga anak ko baka makapatay ako dai!”

Makikita sa ilang mga photos sa parehong post ni Pokwang ang buong title ng criticism na pinoste sa KAMI. At ang meaning ng Clickbait.

Hindi katakatakang maghurumentado si Pokwang sa kanyang post dahil pagdating sa kanyang anak sensitive talaga ito. Wag lang na gagalawin ang panganay nyang si Mae, lumalabas ang pangil ng komedyante.

Pero isang sa following ni Pokwang ang pumuna sa paggamit niya nang mga salitang “baka makapatay ako..”
@sfgiantsgrl25, “I know she’s upset pero patayan talaga? Kala ko religious siya?”

Ang tinutukoy ng following na pagka-relihiyosa ni Pokwang ang pagiging deboto nito sa imahe ng Antipolo.

Meron ring sariling altar niya sa bahay ang Kapamilya star kung saan naroon ang iba’t-ibang estatwa ng santo.
Dinepensahan naman ni Pokie ang sarili sa sagot nya sa kanyang following.

@itspokwang27, “@sfgiantsgrl25 nanay ako at kahit sinong nanay kahit santo kapag ana na ang pinaguusapan walang relihiyon ganon ako katotoo magalit ewan ko ikaw pano ka? Ayoko ng nagmamalinis period!!! Tao ako hindi ako santo gets?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?