59

Jul 4, 2022 @ 18:16
By

Pokwang kay Ella Cruz: ‘Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat’

Hindi rin pasado kay Pokwang ang naging pahayag ni Ella Cruz pagdating sa kasaysayan.

“nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali,” saad ni Pokwang sa kanyang Twitter post ngayong Lunes.

Ang pahayag ni Pokwang ay reaksyon niya sa pagkukumpara ni Ella sa history sa tsismis.

Dagdag pa ng komedyante, mabuti pang ibalik na lang niya sa dagat si Ella dahil maraming iodine doon.

“mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana,” dagdag pa ni Pokwang. Ang #Aryana ay tungkol sa teleseryeng Aryana noong 2012 kung saan gumanap na bida si Ella at nanay naman niya si Pokwang. Si Ella ay gumanap na sirena sa naturang teleserye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?