102

By

Pokwang idinenay na hinarang sa ABS-CBN

Sharing is caring!

Nakita namin si Pokwang sa birt­hday party ni FDCP Chair Liza Diño nu’ng Monday night.

Nang umupo kami sa tabi ni Pokie sa couch ay inusisa namin siya kung sino ‘yung humaharang sa kanya para makabalik siya sa ABS-CBN.

Nu’ng May 22 kasi ay may emote siyang tweet na, “Gusto ko lang naman maghanapbuhay nang marangal, at bilang nais ko lang din magbalik hanapbuhay para sa mga anak ko, bakit parang may humaharang? Inaano ko ba kayo? Kakalungkot naman.”

“Waley ‘yun, mars! Postpartum lang ‘yon!” mabilis na sagot sa amin ng komedyana.

Weh? ‘Yung totoo? Sinong powerful person sa Kapamilya network ang hinahadlangan ang pagbabalik niya sa trabaho?

“Waley nga! Wit! Tamang-emote lang ang loley mo nu’ng time na ‘yon. Walang gano’n. Postpartum nga,” bulalas ni Pokie.

In fairness ay balik-trabaho na raw siya sa ABS, so hindi totoong may humaharang sa kanya. Ang sabi sa amin ni Pokie ay meron na siyang gagawing teleserye.

Kasama ni Poks ang American baby daddy niya na si Lee O’Brian sa party ni Liza.

Excited na ibinalita sa amin ni Lee na kasama siya sa cast ng stage play revival ng ‘M. Butterfly’ na pagbibidahan ni Raymond ‘RS’ Francisco.

Natikman naming mul­i ang na-miss naming famous laing ni Pokie dahil may dala siyang dalawang tray doon sa party ni Liza. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?