30

Jun 19, 2021 @ 17:41
By

Pokwang handa na makatrabaho Kapuso stars

Sa kanyang pagpirma sa Kapuso network, binahagi ng aktres na si Pokwang ang mga artistang excited siyang makatrabaho sa nasabing network.

Ayon sa komedyante, ‘di na siya makapaghintay na makasama sa trabaho sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Alden Richards, Maine Mendoza at Jennylyn Mercado.

“Kung pwede lang, sana lahat, please!” wika ni Pokwang. “Kasi nakita ko kasi ’yung mga bata talagang mabubuting tao at mabubuting artista.”

Binanggit din ni Pokwang sina Dennis Trillo, Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Tom Rodriguez, Carla Abellana at Barbie Forteza.

“Carla Abellana, I love her,” dagdag pa niya. “Si Barbie, kasi nakita ko may kakulitan no, may pagka-komedyante ang batang ’to.”

Sinama rin ng aktres sa pangalan ng mga nais niyang makatrabaho sa network ang host na si Willie Revillame.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?