142

Sep 23, 2021 @ 17:00
By

Pokwang ‘di nagpatalo sa Sexbomb dancer

Nag-showdown sina Pokwang at dating Sexbomb dancer Aira Bermudez.

Nagpatagisan ang dalawa sa pagsayaw ng “Baile” ng isa pang ex-Sexbomb member na si Rochelle Pangilinan.

“Ang pagtutuos ni tyang Lilian @airabermudez at aling Tarsing. Kapag malayo pa ang sweldo at kapos kana mag #Baile ka muna or bumaile ka kay @rochellepangilinan hahahahaaha,” caption ni Pokwang.

Kabilang sa nag-comment ang magaling ding gumiling na si Regine Tolentino.

“Galing!!! IDOLS!” sey niya.

Nainggit naman si Gladys Reyes at nagbirong bet ding makipag-showdown sa dalawa.

“Ahahaha! Showdown! Teka antayin nyo ko,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?