31
arrested1
By

Police sergeant swak sa kasong estafa

Sharing is caring!

Swak sa selda ang isang aktibong pulis na wanted sa kasong estafa makaraang maaresto ng kanyang mga kasamahan sa Quezon City Police District (QCPD).

Sa report na ipinadala kay NCRPO PDIR Guillermo Lorenzo T. Eleazar ni QCPD Director, P/Chief Supt.Joselito T Esquivel Jr , kinilala ang suspek na si SPO1 Honorio Negrito, 52–anyos, nakatalaga sa Cubao Police Station 7.

Si SPO1 Negrito ay inaresto sa kanyang tahanan sa No. 72 Road 2, West Crame, ng mga tauhan ng QCPD sa pamamagitan ng warrant of arrest na ipinalabas ni Jugde Edith Mina – Aguba ng QC RTC Branch 100.

Nakapiit ngayon si SPO1 Negrito sa detention cell ng QCPD Camp Karingal dahil sa kasong 10 counts ng estafa at may piyansang P400,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, arestado rin sa bisa ng warrant of arrest ang wanted person na si Elmar Luceno 39 –anyos ng No. 9 Senading St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Nadakip si Luceno bandang alas – 11:15 ng umaga kamakalawa nang lumitaw ang pangalan sa “hit” sa e-subpoena data base sa pag -aaplay ng police clearance sa QC hall.

Si Luceno ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kaso niyang qualified theft na inisyu ni Judge Edgar Dalmacio Santos, Regional Trial Court, Branch 222, Quezon City, at may piyansang P24,000.00.para sa pansamantalang kalayaan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?