32

Sep 27, 2021 @ 18:52
By

Pogoy sinubukan wrestling

HABANG naghihintay pa ang TNT Tropang Giga sa kanilang quarterfinals match kontra Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings, ibang pagpapakondisyon muna ang ginawa ni Roger Pogoy.

Sa isang video na ibinahagi nito sa kanyang social media account, makikita na nakikipagbuno ito sa isang staff ng kanilang team.

Kita sa video ang gigil ni Pogoy na para bang isang professional wrestler o UFC fighter.

Kasama nito si Allan Apura sa video na makikitang dehado sa laban, dinaganan ito ni Pogoy at saka binanatan ng headlock.

Nagtatawanan naman ang dalawa pero nung huli ay nag-tapout si Apura.

Ani Apura, “lugi ako ah,” at saka tumapik para matigil na ang wrestling match nila ng TNT star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?