39
Pogoy pumutok ng 5 tres, TNT sinungkit ang 4th straight ‘W’
By

Pogoy pumutok ng 5 tres, TNT sinungkit ang 4th straight ‘W’

Patuloy ang pag-angat ng TNT KaTropa matapos matalo ng dalawang sunod sa pagsisimula ng 2019 PBA Philippine Cup.

Kinuha ng TNT ang kanilang ikaapat na sunod na panalo kontra sa Alaska Aces, 92-78, sa ilalim ng pangunguna ng kanilang sharpshooter na si RR Pogoy.

Tumapos si Pogoy ng may 24 puntos, limang tres ang ipinukol, nakaayuda rin si Troy Rosario ng 15 points at limang rebounds.

Samantala, naging alas din para sa TNT ang kanilang naksasakal na depensa, 31 field goal percentage lang ang ibinigay sa Alaska.

Ibinandera ni Carl Bryan Cruz ang Alaska, 19 markers at limang rebounds, samantalang may 13 naman si Sonny Thoss.

6-3 na ang kartada ng TNT, sapat para sa third place ka-tie ang San Miguel at sigurado na sa playoffs, samantalang bagsak sa 3-5 record ang Alaska.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?