6

Oct 20, 2020 @ 17:11
By

Pogoy pabida, nahirang na POW

Balewala ang pagkakapahinga ng mahigit na pitong buwan kumpara sa ibang players sa pagtatapos ng unang linggo ng PBA 45th season restart para kay TNT Tropang Giga gunner RR Pogoy.

Ito ay matapos ipamalas ng 6-foot-2 guard ang tangan na opensiba sa loob ng ginaganap na bubble ng liga tungo sa pagtatala ng career-best performance at consistent na laro para tulungan ang patuloy na nananatiling walang talo na TNT sa unang linggo ng 2020 Philippine Cup.

Ibinuhos ni Pogoy ang kargada sa SMART 5G-powered Angeles University Sports and Cultural Center sa bago nito na career-high 45 points, tampok ang 10 three pointers sa 100-95 panalo ng TNT kontra Alaska sa unang laro.

Nagtala ito ng 11 puntos, siyam na rebounds, at dalawang steals sa pagbigo ng Tropang Giga sa Terrafirma, 112-101, bago nagtala ng sprain ankle injury na may 15-putnos, apat na rebound sa 107-88 panalo sa nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer.

Ang mga numerong tinipon ang nagtulak sa 28-anyos na guard mula Minglanilla, Cebu upang maging unang PBA Press Corps bubble Player of the Week para sa period Oct. 11-18.

Tinalo ni Pogoy ang kakampi na si Ray Parks Jr. at Phoenix Super LPG stalwart Matthew Wright para sa weekly citation na ibinibigay ng mga media na nagko-cover ng PBA beat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?