14

Oct 19, 2020 @ 18:49
By

Pogoy binuhos 30 points: TNT malakas signal vs Phoenix

Pinagpag lang ni Roger Pogoy ang kanyang napuruhang ankle matapos na muling mamuno sa 110-91 win ng TNT Tropang Giga kontra Phoenix Super LPG sa 2020 PBA Philippine Cup nitong Lunes, sa AUF Sports Arena.

Bumangon ang TNT sa 14-point tambak noong 1st half para panatilihin ang busilak na record sa 4-0.

Limang tres ang pinakawalan ni Pogoy, tungo sa 30 points, habang humarabas din si Poy Erram na kumolekta ng 18 points at 15 rebounds.

Samantala hindi naging sapat ang 31 points ni Matthew Wright para sa Phoenix, na iniinda pa rin ang pagkawala ni Calvin Abueva sa lineup dahil sa lampas isang taon nang suspensyon.

Dahil sa panalo, solo leader na ang Tropang Giga, habang nakuha naman ng Phoenix ang una nilang talo sa loob ng tatlong laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?