24

By

Pogoy bibinyagan ni Yap

Matibay rin ang pulso ni RR Pogoy mula long range, huwag lang maiwang bukas ay titira.

Pero mukhang sa laro ng TNT at national team, isama na noong college, lang niya inilalabas ang husay.

Sa buong buhay niya ay hindi pa aniya siya nakakasali sa three-point shootout.

Masusubukan si Pogoy ngayon sa Calasiao Sports Center, isa siya sa mga magtatangkang umagaw ng korona ni defending champion James Yap sa Three-Point Shootout ng Skills Competition.

“Kahit sa ligang-labas hindi ko pa na-try ‘yun. Dito talaga first time,” natatawang pahayag ni Pogoy.

Ano kaya ang tsansa niya?

“Tignan na lang natin, hindi ko masabi,” dagdag ng KaTropa guard. “Kasi puro shooter ‘yung mga kalaban ko.”

Susubok din sina Marcio Lassiter, Matthew Wright, Simon Enciso, Baser Amer, Philip Paniamogan, Rashawn McCarthy, Mike Digregorio, Kevin Ferrer, Robert Bolick at PJ Simon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?