82
joel-villanueva
By

POGO nakakaperwisyo sa bansa – Villanueva

Bagama’t patuloy ang paglago ng offshore gaming operation sa bansa, hindi naman umano ito masyadong nakakatulong sa domestic economy ng bansa, ayon kay Senador Joel Villanueva.

Ayon sa senador, ang industriya, mas kilala sa tawag na Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), ay malaki ang epekto real estate market partikular sa mga nagnenegosyo at manggagawa na umuupa malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan.

“With the way developments in the industry are unfolding, we fear that we are becoming the sin city of China with very little benefit to Filipinos and our economy,” sabi ni Villanueva.

Tumataas na aniya ang renta sa mga tanggapan dahil sa mataas na demand mula sa POGO na posibleng lagpasan na ang IT-Business Process Management sa bansa.

Bukod diyan, tumataas na rin ang renta sa mga condominium kaya nahihirapan na rin ang mga manggagawang Pinoy na umupa ng matutuluyan malapit sa kanilang pinagtatrabahuhan.

Ayon pa kay Villanueva, chairman ng Senate labor committee, may mga ulat siyang hindi na nagre-renew ng kanilang renta sa mga apartment at condo dahil nadoble o di kaya’y na-triple na ang kanilang bayad kasunod ng pagdagsa ng mga foreign worker partikular ang mga Chinese.

“One report we received came from an office worker who paid P25,000 for a condominium unit in Pasay. She did not renew her contract because the unit owner planned to raise rent to P60,000,” ani Villanueva.

“The sector also does not create jobs for Filipinos because it hires primarily Chinese workers,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?