131

Mar 6, 2020 @ 11:58
By

POGO maliit ang epekto sa ekonomiya ng ‘Pinas

Ayos lang patalsikin na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil hindi naman gaanong maaapektuhan ang ekonomiya ng bansa, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.

“Hindi naman ganun kalaki ang impact nung [POGO],” wika ni Diokno sa GMA News.

“Alam mo ang real estate implication pala niyan nire-require pagka mga POGO operation… nire-require usually ang practice one year deposit. Halimbawa, they decide to leave merong one year deposit so hindi immediate ang impact on real estate,” hayag pa niya.

Tutol si Diokno, na pinuno rin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), sa patuloy na pag-operate ng POGO dahil mas maraming negative effect kaysa benepisyo na dinudulot ng mga POGO sa bansa.

Maingay sa ngayon ang isyu ng lumalaganap na mga krimen at katiwalian na sangkot ang mga Chinese national.

“Kasi meron ding negative effect eh… prostitution, criminality… tsaka ‘yung problem sa AMLC negative din ‘yun sa atin,” sambit ng BSP Governor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?