9

Jan 13, 2021 @ 16:01
By

POEA sarado sa Jan. 15

Sarado ang lahat ng opisina ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Mandaluyong City sa Biyernes para sa gagawing sanitation at disinfection.

Lahat ng mga tanggapan ng POEA pati na rin ang iba pang mga ahensya ng gobyerno at pribadong mga establisimiyento na matatagpuan sa Blas F. Ople Building sa Ortigas Avenue corner EDSA ay isasara sa publiko.

Magpapatuloy ang operasyon ng POEA sa Lunes, Jan. 18.

“We request your understanding and cooperation as we ensure our workplaces are free from the coronavirus,” anang ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?