19

Oct 2, 2020 @ 15:46
By

POEA: Middle East, Singapore tatanggap na uli ng OFW

Dumarami na ang mga bansa na handa na muling tumanggap ng mga overseas Filipino worker (OFW), ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

“Slowly, some destination labor countries are opening, for example, the Middle East. Earlier, Bahrain and the Kingdom of Saudi Arabia announced that they are ready to accept foreign workers, particularly our beloved OFWs. The in-demand jobs are for skilled workers,” ani POEA administrator Bernard Olalia sa Laging Handa briefing ngayong Biyernes.

“In Asia, Singapore, Hong Kong, and Brunei have also opened. In demand are our skilled workers and they are also hiring household service workers (HSW),” saad niya pa.

Unti-unti na ring nagbubukas para sa mga foreign worker ang Canada at United Kingdom. In-demand aniya roon ang mga healthcare worker.

Naghahanap din umano ng mga construction worker ang Cuba na ipadadala sa Guantanamo Bay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?