154
Poe: Walang perpekto na tao pero intensiyon mo dapat tapat
Mar 8, 2019 @ 18:54
By

Poe: Walang perpekto na tao pero intensiyon mo dapat tapat

Nagbigay ng kanyang panig si reelectionist Sen. Grace Poe hinggil sa isyu ng katapatan sa mga kandidato.

Ani Poe sa pagsasalita sa 2019 Youth Entrepreneurship Summit sa Pasay City, wala naman umanong perpektong tao at lahat ay may pagkakasala pero ang mahalaga aniya ay mag-move on at magpakatotoo na dapat ang intensiyon mo ay tapat.

Para sa kanya “public service is public trust” at upang magtiwala sa iyo ang mga tao ay kailangan mong magpakatotoo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?