413

Apr 14, 2019 @ 18:40
By

Poe, Tañada, Diokno nanguna sa PUP Manila mock election

3000 mag-aaral ang nakiisa sa isinagawang 2019 mock election sa Polytechnic University of the Philippines, Sta. Mesa, Manila kaugnay sa papalapit na 2019 midterm elections.

Pinangunahan ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral ang university-wide mock election kung saan ay bahagi ng survey ang mga senatorial candidates.

Nanguna si Grace Poe na nakakuha ng 914 na boto, sinundan naman ito ni Erin Tañada na nakakuha ng 800 na boto.

Ika-3 pwesto naman ang nasungkit ni Chel Diokno na nakakuha ng 667 na boto habang ika-4 naman si Samira Gutoc na mayroong 661 na boto, sinundan ito ni Bam Aquino na may 617 na boto.

Ang iba pang bumubuo sa magic 12 ng naturang mock election ay sina Cynthia Villar (508 boto), Pia Cayetano (488 boto), JV Ejercito (426 boto), Koko Pimentel (409 boto), Neri Colmenares (389 boto), Pilo Hilbay (364 boto), at si Leody de Guzman (336 boto).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?