26

Feb 9, 2021 @ 14:17
By

Poe sinabon LTO execs sa sablay na MVIC program

Nabuwisit si Senadora Grace Poe sa ilang opisyal ng gobyerno hinggil sa sablay nilang paliwanag kung bakit inuna ang mga pribadong sasakyan sa road worthiness inspection sa halip na mga pampublikong sasakyan.

“Yung mga bus, hindi naman lahat pero yung mga sakuna na malalaki talagang trahedya ay nagaganap dito sa mga pampublikong sasakyan na ‘to na mas maraming nakasakay at nakikinabang,” pahayag ni Poe sa pagdinig ng Senate public services committee.

“Tuloy, iniisip ng marami kasi kikita kayo sa private vehicles dahil mas marami ito,” dagdag nito.

Sabi ng Land Transportation Office (LTO), mahigit sa apat na milyon ang pribadong sasakyan sa bansa hindi pa kasama dito ang mga motorsiklo. Umabot naman sa 400,000 ang bilang ng mga pampublikoing sasakyan.

Ayon kay Poe, mas madali aniya sanang ipatupad ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) kung inuna ang mga public utility vehicle (PUV).

“We have 400,000 public vehicles as opposed to 4 million private vehicles. So if you wanted to test the capability of these [inspection] centers, it would have been easier and probably even better to test public vehicles first,” sabi ni Poe.

“So bakit ninyo inuna ang private vehicles?” tanong pa nito.

Paglilinaw naman ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, kasama sa MVIs ang mga PUVs subalit limitado lamang ito sa mga sasakyang may timbang ng 4,500 kilo pababa.

“Kaya po yung mga jeep natin, kasama po yan,” sabi ni Galvante.

Paliwanag naman ni Department of Transportation (DOTr) Assistance Secretary for Procurement of Project Implementation Giovanni Lopez, ang kawalan ng bidding sa procurement ng mobile vehicle inspection system para sa PUVs ang nagsulong sa ahensiya para ituloy na ang MVIS para sa pribadong sasakyan at hindi maudlot ang inspection program.

Subalit hindi kinagat ni Poe ang paliwanag na ito ni Lopez.

“So ang sinasabi mo ngayon nagpapakadakila na na unahin natin ng ang private vehicles para makahanap tayo ng paraan na maging mas madali para sa PUVs?” sabi ni Poe.

“It’s seems very flawed to me,” saad pa ng senadora.

Igiinit pa ni Poe na nag-isyu ang DOTr at LTO ng guidliness para sa private motor vehicle inspection centers (PMVICs) noong Disyembre 29 kung saan 17 PMVIC na ang nag-operate.

“ Hindi pa rin malinaw ngayon kung bakit ninyo inuna pa rin private vehicles para sabihin na para padaliin sa PUVs kaya inuna ninyo ang private vehicles, anong klaseng dahilan yan?” tanong pa ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?