463
Poe sasanib sa oposisyon kapag pinalitan si Sotto
By

Poe sasanib sa oposisyon kapag pinalitan si Sotto

Ilang senador umano na mula sa majority bloc sa Senado ang lilipat sa oposisyon sakaling palitan si Senador Tito Sotto bilang Senate President.

“Sa tingin ko kapag pinalitan talaga nila si Senator Sotto, may banta talaga na may mga iba na hindi sasanib doon sa mayorya,” wika ni Senadora Grace Poe na isa rin umano sa lilipat sa minority bloc.

Aniya, mas lalakas umano ang oposisyon kung lilipat din si Sotto sa minority.

Oo naman ang sagot ni Poe sa tanong kung handa ba siyang lumipat sa oposisyon kapag pinalitan si Sotto.

“Kung lilipat si Senator Sotto sa minority, sasama na lang ako,” saad pa niya.

Sa kasalukuyan, apat lang ang mga miyembro ng minority bloc na sina Minority Leader Franklin Drilon, Senators Risa Hontiveros, Francis “Kiko” Pangilinan at Leila de Lima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?