10

Jan 14, 2021 @ 15:26
By

Poe sa gobyerno: Vaccine deal sa Pfizer unahin!

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa gobyernong Duterte na unahing makipagnegosasyon sa Pfizer para sa pagbili ng COVID-19 vaccine nito matapos makakuha ang American drugmaker ng emergency use authorization (EUA) sa Food and Drug Administration (FDA).

“The Food and Drug Administration’s (FDA) green light to use the Pfizer vaccine in the country against the novel coronavirus should prompt the government to immediately negotiate for its purchase and delivery to the Philippines,” pahayag ni Poe sa isang statement.

“Negotiations with Pfizer should be prioritized over deals with other manufacturers whose products have yet to get FDA’s approval,” dagdag nito.

Nauna nang hinikayat ni Poe ang Department of Health at FDA na madaliin ang proseso ng EUA application para sa COVID-19 vaccine.

Ito’y upang maalis ang hinalang naghihintay ng grease money ang mga opisyal para mapabilis ang pag-apruba ng EUA application.

Sa unang pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa vaccination plan ng gobyerno, kinuwestiyon din ng gobyerno ang vaccine deal sa China Sinovac kahit na hindi pa ito naga-apply ng emergency EUA sa FDA. Ngayong araw pa lang sinabi ng Philippine FDA na nag-apply na kahapon ng EUA ang Sinovac.

Nakapag-order na ang pamahalaan ng 25 milyong doses ng COVID-19 Sinovac, kung saan 50,000 nito ay darating sa bansa sa Pebrero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?