15

By

Poe sa DOTr: Awat muna sa taas-pasahe sa LRT

Sharing is caring!

Nanawagan si Senadora Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) at sa Light Rail Transt Line 1 Board para huwag munang magtaas ng pamasahe sa LRT o kaya ay unti-untiin ito.

Ayon sa senadora, masyado nang mabibigatan ang publiko kapag itinaas ang pamasahe sa LRT ngayong tumataas ang presyo ng mga bilihin at petrolyo.

Iginiit na hintayin muna ng DOTR at LRT Board ang desisyon sa hinihingi ngayong suspensyon ng pagpapataw ng mataas na excise tax sa petrolyo batay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Kahapon, inianunsiyo ng LRT management na magtataas ito ng P5 hanggang P7 pamasahe.

Ikinatwiran na noon pang 2015 ang pinakahuling pagtataas ng pamasahe rito.

Planong umpisahan sa Agosto ang mas mataas na pamasahe sa LRT.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?