40

By

Poe sa DOTr: Atupagin ang safety features ng MRT

Sharing is caring!

Kinalampag ni Senadora Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) para atupagin ang paglalagay ng safety features sa mga istasyon ng Metro Rail Transit (MRT).

Maari umanong hindi naaksidente ang 24-anyos na babaeng naputulan ng braso dahil nahulog sa riles ng tren.

“What happened was a very unfortunate incident that could have been prevented with a passenger railing safety feature,” ayon kay Poe.

Diin ni Poe, kailangan na ring resolbahin ng DOTr ang mga technical glitches ng MRT na naglalagay sa panganib sa mga sumasakay dito.

“But right now, the DOTr should focus on the overall safety of the MRT, which could impact a larger number of people in case a serious technical glitch strikes,” pahayag ni Poe.

Tinukoy ng senador ang mga palyado nang riles ng MRT na hindi pa pinapalitan ng maintenance provider ngayon na Busan Universal Rail Incorporated (BURI) at ang mga tren na binili ng nagdaang administrasyon na hindi umano akma sa signalling system ng mga riles.

“While many of the woes began with the past administration, the current problems are now in the hands of the DOTr. If they are earnest and sincere in addressing these problems, then they should work faster on bettering our train system,” diin ni Poe. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?