91
Poe pikon na sa MRT-3: ‘Pag hindi tumitirik, umuusok, tumutulo naman!
By

Poe pikon na sa MRT-3: ‘Pag hindi tumitirik, umuusok, tumutulo naman!

Muling binatilkos ni Senadora Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) dahil pangit na serbisyo para sa daang libong mananakay ng Metro Rail Transit 3 o MRT-3.

“Pag hindi tumitirik, umuusok o tumutulo,” pahayag ni Poe, chair ng Senate public services committee.

“Ganitong klaseng serbisyo ba ang patuloy na mararanasan ng mga mananakay ng MRT?” tanong pa niya.

Dismayado si Poe sa serbiyso ng MRT-3 dahil sa kabila ng ginagawang pagkumpuni sa mga tren nakakaraanas pa rin ng aberya ang mga operasyon niya.

“Kapag sumasakay tayo sa MRT, nauubos ang ating oras sa pila. Tinitiis natin ang siksikan. Nakikipagsikuhan tayo sa pagsakay. Nakakawala ng dignidad kapag naglalakad tayo sa riles. May pangamba na baka hindi tayo makarating sa paroroonan,” saad pa ng senadora.

“Kung may mapagpipilian lang, hindi ganitong klase ng train ang sasakyan ng ating mga kababayan,” ayon pa sa senador.

Kaya tanong ni Poe kay Transportation Secretary Arthur Tugade: “Hindi pa ba sapat ang tatlong taon para maisaayos ang problema?”

Hindi aniya maiiwasang magmaktol ang mga pasahero sa tuwing may aberya ang MRT-3 lalo na’t mahigit P22 bilyon ang inilaang pondo para sa rehabilitasyon nito.

“It is but just and right that we give them a ride that is safe, convenient and comfortable because the people deserve no less,” sabi pa ni Poe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?