150

By

Poe, nanguna sa Pulse Asia senatorial survey

Nanguna si Senadora Grace Poe sa senatorial survey ng Pulse Asia.

Isinagawa ang survey mula December 14-21, 2018 kung saan nakakuha si Poe ng 75.6% na boto.

Sinundan siya ni Senadora Cynthia Villar sa 66.6% voter preference.

Pasok naman sa ikatlo at ikaapat na puwesto sina Senador Sonny Angara at Taguig Rep. Pia Cayetano sa 58.5% at 55. 4%.

Samantala, lumapag sa fifth hanggang seventh spot sina dating senador Lito Lapid (49.8%), Senadora Nancy Binay (46.7% ) at Aquilino Pimentel III (45.55%).

Nasa 8th hanggang 13th posisyon naman sina dating senador Serge Osmeña (38.8%) at Bong Revilla (37.6%).

Tabla sa ika-walo hanggang ika-15 spot sina Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (36.7%), dating senador Jinggoy Estrada (36.3%) at dating Philippine National Police chief Ronald “Bato” Dela Rosa (35.7%).

Pasok sa top 12 sina dating Interior Secretary Manuel “Mar” Roxas II (35.0%), JV Ejercito (33.6%) at Benigno “Bam” Aquino (32.6%).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?