63

Apr 13, 2019 @ 18:21
By

Poe nakiusap kay Duterte: Huwag i-veto buong 2019 budget

Ayaw ni Senadora Grace Poe na gumamit ang gobyerno ng reenacted budget ngayong taon dahil marami umanong mga programa gaya sa mga magsasaka, feeding program para sa mga bata, pati na sa Bangsamoro ang nanganganib na hindi matuloy kapag hindi naipasa ang 2019 General Appropriations Act.

Reaksiyon ito ni Poe sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang buong P3.757 trillion 2019 national budget kapag “tagilid” umano ito o maraming problema.

Paliwanag ng independent senatoriable, naiintindihan niya na tama na kilatisin ng Pangulo ang budget, pero aniya, mas maganda umano na ‘yung mga probisyon na ayaw lang ng Punong Ehekutibo, na sa tingin nito’y isiningit at hindi makakabuti ang siya na lang i-veto.

Mula pa Enero ay reenacted budget na ang gamit ng gobyerno matapos hindi pa rin magkasundo ang Senado at Kamara sa 2019 national budget dahil sa isyu ng realignment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?