35

Jan 13, 2022 @ 16:14
By

Poe nagpasalamat sa FPJ Avenue

Inihayag ni Senadora Grace Poe na ang batas na ipinangalan sa namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ang Roosevelt Avenue sa Quezon City ay isang pagkakataon para maalaalang muli ang legacy ng kanyang ama.

“Nagpapasamat at nagpapakumbaba ako at ang aking pamilya sa batas na ito. Ang FPJ Avenue ay nagbigay-pugay sa nagawa at legasiya ng aking ama na ngayon ay bahagi na ng kasaysayan ng ating bansa,” pahayag ni Poe matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11608 o “An Act Renaming Roosevelt Avenue in the Legislative District 1 of Quezon City as Fernando Poe Jr. Avenue” bilang isang batas.

Pinasalamatan din ni Poe ang mga kapwa mambabatas mula sa Senado at sa House of Representatives na siyang nagsulong sa panukala kung saan inilarawan nila si PFJ bilang isang cultural icon at kampeon ng masa.

Nag-abstain si Poe sa botohan sa Senado sa naturang panukala dahil sa ‘conflict of interest’.

Pinarangalan ang yumaong National Artist dahil sa pagbida sa mahigit 300 pelikula, kabilang ang kanyang mga prinodyus, sa kanyang 46 taon sa entertainment industry. Nagbigay ito sa kanyang ng titulong “King of Philippine Movies”.

Sa Roosevelt Avenue, ang unang legislative district sa Quezon City, matatagpuan ang ancestral home ni FPJ kung siya lumalaki.

Ang 2.9 kilometrong kalsada sa makikita sa pagitan ng Epifanio de los Santos Avenue sa hilaga at Quezon Avenue naman sa timog.

Inaatasan ng batas ang Department of Public Works and Highways na mag-isyu ng panuntunan, kautusan at circular para sa pagpapatupad ng probisyon sa loob ng 60 araw mula sa pagiging epektibo nito.

“For every Filipino, every ‘probinsyano’ who will pass along this avenue, we hope this serves as a physical reminder that no dream is too big and no goal is ever out of reach,” ayon kay Poe.

“Nawa’y magsilbing ehemplo ng katatagan, pagpupunyagi at pag-asa ang buhay ni FPJ sa ating mga kababayan,” sambit pa nito.

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?