72

Sep 25, 2019 @ 16:02
By

Poe nagbigay ng 3Ps para sa batas kontra trapiko

Kailangan umanong magkaroon muna ng 3Ps – plano, pondo at pagsisiyasat – bago magpasa ng batas para maresolba ang trapik sa bansa, ayon kay Senadora Grace Poe.

“Kailangan ng kongkretong plano na may timeline at deadlines. Dapat may listahan ng mga proyekto at ng katumbas na pondo,” pahayag ni Poe, chair na Senate public services committee.

“At dapat bukas sa pagsisiyasat ng publiko. To these three conditions, I would like to add, pakikinig sa mga commuters,” dagdag pa nito.

Sa susunod na linggo, magkakaroon ng technical working group (TWG) para pag-usapan ang transportation roadmap para maresolba ang traffic crisis in mega manila.

Sabi pa ni Poe, kailangan din ng gobyerno na magsagawa ng malawakang konsultasyon sa mga apektadong transport at commuter group bago gumawa ng master plan.

“Consultation is intertwined with the people’s right to information on matters of public concern. Sino pa ba ang pinakaapektado ng matinding traffic sa Maynila kung hindi ang mga commuters?” punto ni Poe.

“The voice of the commuter is the voice of the people. In the same way that mapmakers go to the plains to study the mountains, so should transport planners learn from the wisdom of the streets. Mas magkakaroon tayo ng solusyon kung maayos ang pag-uusap natin,” dagdag nito.

Samantala, kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road and Transport Infrastructure Mark Richmund de Leon na hindi na nila itutulak ang emergency powers para mapabilis ang pagpapatupad ng transport roadmap ng ahensiya.

“We actually received a message from Secretary Tugade that he echoes that statement of the President that he will no longer seek for emergency powers,” ani De Leon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?